==================
Minsan Ako’y Naging Volt
Isang summer vacation lang sa buong buhay ko ang hindi ko makakalimutan. Ito ay ang summer vacation sampung taon na ang nakaraan nang naisipan kong maging bahagi ng Summer Immersion Services Program ng Ugnayan ng Pahinungod sa UP Manila. Nahila lang ako ng bestfriend ko opisina ng Pahinungod. Dahil kapos sa pamasahe pauwi ng probinsya nila ay naisipan na lang niya na sumali sa Summer Immersion Program at hindi na muna umuwi. Wala rin akong panggastos para magkaroon ng “adventure” habang bakasyon kaya sumali na rin ako. Hindi rin natuloy ang bestfriend ko dahil tinanggap niya ang “summer job” para sa extra allowance sa darating na pasukan. Naisip kong umatras na rin lang pero hindi ko ito nagawa. Mabuti na lang at hindi.
Ano ba ang Summer Immersion Services Program na ito? Ang alam ko lang bago kami dumalo sa orientation ay ipapadala kami sa malalayong lugar sa Pilipinas upang doon ay manirahan. Ang inaasahan kong matututunan ko ay kung paano lang mamuhay sa isang lugar na malayo sa kinalikahan kong buhay. Laking Maynila kasi ako kaya abnormal para sa akin ang walang kuryente at tubig na lumalabas sa gripo. Nagkamali ako. Mas marami pa akong natutunan hindi lang mula sa pamumuhay ng mga tao sa lugar na pinuntahan ko kundi mula na rin sa mga nadiskubre ko sa aking sarili habang ako’y nakatira doon.
Sa orientation namin sa UPLB tinuruan kami ng maraming kaalaman bukod pa sa teambuilding session na naganap. Kaming mga lumahok ay mga estudyanteng mula sa iba’t-ibang kolehiyo ng UP Manila. Hindi kami magkakakilala pero pagkatapos ng tatlong araw at dalawang gabi ay naging magkakaibigan na kami. Tinuruan kami tungkol sa mga bagay na aming dapat at hindi dapat asahan sa lugar na aming pupuntahan. Rush ang lectures tungkol sa mga halamang gamot, first aid, pag-iwas sa malaria at dengue, mga lunas sa mga common diseases, at iba pa. Pakiramdam ko noon ready na ako dahil sa mga natutunan ko. Yun pala, patikim pa lang iyon. Ang tunay na kabuuan ng lecture ng buhay ay makikita at maririnig kapag nandun ka na sa dapat mong tirahan.
Na-assign ako sa Talim Island, Binangonan, Rizal. Isang buwan akong tumira doon kasama ang aking partner na si Thea na taga-Public Health. Taga-Pasig ako kaya walang thrill sa akin nung malaman ko na sa Binangonan lang ako ipapadala. Di tulad nung iba naming mga kasamahan na pinadala sa Sagada, Cagayan Valley, at Sorsogon. Pero naisip ko rin na mukhang exciting din naman dahil isla eh. Solved na kumbaga ang summer vacation na inasam ko.
Marami kaming baong gamot, toothbrushes, at iba’t-ibang flyers. Kinagabihan pa lang ng pagdating namin ay may kumatok na sa bahay na tinitirhan ko upang humingi ng tulong. Masakit daw ang tiyan at madalas ang pagdumi. Dahil sa orientation sa LB alam ko nang simpleng LBM lang yun. Pero dahil dalawang araw nang ganun ay hindi lang Loperamide ang ibinigay kong gamot kundi gumawa rin kami ng oresol. Tinuro din sa amin sa orientation yun. Gusto ko sanang sabihin sa kanila na pumunta na lang kay Thea dahil Public Health ang course niya at Poli Sci ako. Yun pala, nalaman ko kinabukasan, na mayroon naman siyang binigyang lunas na hinimatay naman. Iyun na pala ang simula ng aming pagiging doktorang hilaw.
Isinasama kami ng mga kababaihan palibot ng isla sa kanilang mga pagsi-serbisyo. Alam ng mga tao kung bakit kami nandoon at alam nilang may dala kaming mga gamot. Minsan lang sa isang taon kung may dumating na doktor sa health center nilang isang bagyo na lang ang hindi pa pumipirma. Kami ang naging takbuhan nila. Sa aming paglilibot nakita namin ang maraming batang malnourished sa isla. Nagsimula kami ng feeding program at tinuruan namin silang magluto ng masusustansyang pagkain na mula lang sa kanilang hardin. Nalaman din naming marami pang batang at mga binatilyo na hindi pa binyagan sa lugar. Nagpadala ang Pahinungod ng mga doktor na gagawa ng Libreng Tuli at Medical Mission sa lugar. Dahil dalawang doktor lang ang nakarating, napilitan kami ni Thea na kami na mismo ang magtuli. Kinabukasan ay hindi na kami matignan ng diretso ng mga binatilyong natuli namin. Wala na kasi silang maitatago, hehehe.
Hindi ko rin malilimutan ang isang bangkay na pilit pa naming ni-revive. Limang oras na raw ang nakakalipas mula nang malagutan ng hininga. Pero dahil ayaw bumitaw ng mga kamag-anak ay ipinatawag pa rin kami. Nag first-aid si Thea habang kinukuha ko ang pulso. Wala na talaga. Ganun kahirap ang buhay doon, naghihingalo na ay hindi pa madala sa ospital. Dahil bukod na nasa bayan pa ng Binangonan ang ospital ay magbabayad pa sila sa bangka at tricycle na magdadala sa kanila doon.
Maraming nabago sa akin mula noong tumira ako sa Talim. Nalaman kong marami pala akong kayang gawin. Na kaya ko palang gumawa ng paraan gamit ang kung anong meron lang ako. Nabago ang mga pananaw ko sa buhay. Akala ko hirap na kami sa buhay, yun pala may mas hirap pa. Pero mas masaya sila kasi simple lang ang mga hinahangad nila sa buhay. Ganunpaman, nangarap rin sila ng pag-asenso ng kanilang lugar. Kaya nga sila na ang gumawa ng samahan para tulungan ang mga kababayan nila. Hindi na sila umasa pa sa gobyerno. Ito na rin ang panuntunan ko ngayon sa buhay. Na ang pag-asenso at pagbabago ay hindi dapat iasa sa iba kundi sa sarili lamang.
Kunektado pa rin ako sa grupo ng mga Volts hanggang ngayon. Nakakasagap ako ng balita at imbitasyon sa e-mail. Volts nga pala ang tawag sa mga volunteer ng Ugnayan ng Pahinungod. Nais ko mang tumugon sa panawagan nila na hanggang ngayon ay maglingkod ay kailangan ko munang mag-trabaho at kumita ng pera. Kaya matindi ang paghanga ko sa mga kasamahan ko na hanggang ngayon ay nagbo-volunteer pa rin. Sila ang mga bayaning totoong hindi nakakalimot sa bayan. Pangako ko sa aking sarili at sa UP na ako’y maglilingkod uli sa oras na dumating ang pagkakataon.

Today (Sept. 1, 2008) I received an email from Mr. Tirona of 100 Kwentong Peyups informing me that my write-up was published yesterday (Aug. 31) in Philippine Daily Inquirer. Wasn't able to get a copy, though.
0 sweet comments:
Post a Comment