Litratong Pinoy: Simula Pa Lang
Ito ang pinagkakaabalahan ko ngayong summer - ang pag-aayos ng kwarto ng aming unico hijo. Nung mabili kasi namin ang bahay ay simpleng simple lang ang mga kwarto. Nagkataong ang kwarto ng anak ko ang pinakamaliit pero may pinakamataas namang kisame. Kaya naisipan namin na gawan siya ng loft para maging tulugan at ang ilalim ay study area naman. Habang ang aking asawa ay nasa opisina, ako naman ang nagsilbing bisor ng aming houseboy cum karpintero. Maya't-maya ay kinukuhanan ko ng litrato para i-email at ma-approve ng aking asawa. Eto ang study desk ng aking anak. Naka-suporta pa ang mga upuan dahil kasalukuyang ipapa-approve pa nga lang at hindi pa nakapako ng permanente. May 3-leveled shelves na ilalagay bandang itaas lang ng power outlet sa pader. Abangan niyo na lang ang kalalabasan!
This is what's keeping me busy this summer - the renovation of my son's bedroom. My son had the smallest room in the house but it's the one with the highest ceiling. We thought of making a loft as his sleeping area and the area below it as his study area. I took pictures every now and then because I needed to email it to my husband who's in the office. He needs to approve the design before my carpenter can permanently hammer the nails in. There will be 3-leveled shelves installed just above the power outlet on the wall. I'll keep you updated on the finished product!
0 sweet comments:
Post a Comment