Kahapon, nasubukan ang tolorance ko for pain.
Ipagluluto ko si Rap ng fried chicken noon. Ang mga pinamalengke kasi na meat and fish, pagkatapos kong hugasan, nilalagay ko sa mga tupperware. Nung Sunday, nag-grocery kami kaya punong-puno ang freezer. Ang mga tupperware, nagkapatong-patong. Pagbukas ko ng pinto ng frezer, nahulog ang isang tupperware sa left foot ko! Ay grabe, nagdilim ang mundo ko. Namilipit ako sa sakit. Narinig ko si Rap na tumatawa. Iyak tuloy ako. Sabi ko, "Nasaktan na nga si Mommy tinawanan pa!". Eh hindi pala ako ang tinatawanan. Nagbabasa kasi siya ng Alladin at natatawa siya dun sa binabasa niya. Wala palang kaalam-alam ang bata sa nangyari. Kakatuwa, kinuhanan naman niya ako ng isang basong tubig. Naawa yata sa itsura ko.
Me? Accident prone? I’m sure my husband would be the first to shout “Yes, you are!!!”. Hehehe….
My parents told me that my earliest accident happended when I was below a year old. They were both working and me and my older sister were left to the care of older cousins. Sabi nila, iniwan daw akong natutulog sa duyan. And I fell. That's how I got the crack on the left side of my skull. Kaya nga pag nagma-maldita ako noon, tinatawag ako ng Papa ko na Baltik. Sumisingaw daw kasi ang katinuan ng utak dun sa crack.
The earliest recollection I have was in pre-school. My sister and I studied in the baranggay day care center of La Paz, Makati. Our house was just along Primo de Rivera St. 2164 nga ang number ng apartment, eh. O di ba, alala ko pa. Effect din siguro ng crack! Anyway, my cousin, Kuya Armando, fetched me from school that day. Naka-single bike lang kami. Naaalala ko pa noon, from Vito Cruz extension nag-right turn siya sa Primo de Rivera and may umarangkadang pulang kotse sa likod namin. Tumalsik si Kuya Armando sa kalsada. Ako, na-shoot ako sa kanal. Dati, sa lugar namin sa Makati, ang daming mga kanal. Yung malalaking tipo pa ha. Buti na lang mababaw. Kung hindi, dead ang lola niyo! Hahahaha! Nadagdagan nanaman ang title ko. Kanal Beuty na rin ang tawag sa akin ng mga pinsan ko. Oo nga pala, from that accident, I got a crack sa ilong ko. Puti na lang, uso na noon ang corrective surgery. Naayos naman ang crack at hindi masyado halata yung peklat.
Next major accident, Grade 1 na ako. Naalala ko, that was a day before the Linggo ng Wika program in our school. Kasi, pumunta kami ng Makati Square noon at naghanap ng accessories si Mama for me. Kakanta kasi ako ng "Ako ay Pilipino" kinabukasan sa program. Showing noon yung "Inday Bote" starring Maricel Soriano. Eh syempre, fantasy so nanood ang buong family. Nangyari ang aksidente pag-uwi na namin. Nauhaw kasi ako noon. Eh walang pumapansin sa akin. Namaos na ako sa pagsasabi ng "Water, please." wala pa ring nagbibigay. Busy kasi ang mga tao sa pag-aayos nung gown na susuotin ko. Kinakabitan nila ng mga sequins. So, kumuha ako ng water. Yung bote ng tubig namin noon eh yung lumang bote ng Magnolia Chocolait. I swear, sobrang kapal ng bote na yun. Dumulas sa kamay ko, nahulog sa left foot ko. Ayun, basag ang bote at ang lalaki ng bubog sa paa ko. Dinala ako sa St. Augustine hospital. Buti na lang running distance lang. Running kasi tinakbo ni Uncle Junior ang ospital habang karga-karga ako. Ilang stitches din ang nakuha ko. Malaki ang peklat sa may puno ng pinakamalaking daliri. Hanggang ngayon masakit pa pag tinatamaan. Ilang buwan din nila akong binansagang Inday Bote. Isang linggo akong naliligo ng may plastic sa paa. Nung kumanta ako kinabukasan, di-escort pa ako. Si Ryan Marasigan, classmate ko nung Grade 1.
Grade 5, dumalaw kami ni Ate Net (isang pinsan ko nanaman) sa mga pinsan ko sa Southville, Binan. Marami silang bike. Nasa Ermita na kami nakatira noon at bihira ng mga kalsadang walang masyadong sasakyan. So sabik na sabik akong mag-bike. Nag-bike kami ni Sarah paikot sa subdivision nila. Hindi ko napansin ang malaking hump. Ang taas ng lipad ng bike ko. Lumanding ako sa kalsada, una ang bibig. Ewan ko nga ba kung bakit ganoon? Siguro nakanganga ako sa sobrang shock! Bali ang dalawang ipin ko sa harap. Permanent pa naman. After one week, pinabunot na ni Mama ang mga ipin ko. After a week, sinukatan ako for dentures. December 11, 1989 kinabit ang bagong dentures ko. Hanggang ngayon, naka-dentures pa rin ako. Naka-ilang palit na nga ako eh. (Thanks to Dr. George, ang aking dentist-friend.) Nag-iipon pa ako pang fixed bridge, yung permanent dentures na. Last time ko kasing magpa-quote forty-two thousand lang naman. Kakasuya! :(
Mga major lang pala ang naisusulat ko from my childhood ha, di ko na masyadong lalahatin at nakakahiya na sa inyo. Teka, ang kagat ba ng aso considered na major accident? Kinagat din kasi ako ng aso noon, pero di ako nagpa-rabies shots. Basta si Ate Doyet, isa rin sa mga pinsan kong taga-alaga sa amin, nagtadtad ng bawang at tinapal dun sa kagat. Tingin ko, wala naman akong rabies. (Aw, aw!!!)
Maraming pang mga aksidenteng nangyari. Yung iba, dahil sa katangahan ko. Yung iba, sa katangahan ng iba. Naaalala ko pa nung nag-snorkeling kami sa Boracay nung year 2001. Papunta na sana kami sa Puka Beach noon. Sumakay na ang mga nasa tubig doon sa boat namin. Nahuli ang aming ga-balyenang tourist guide. Aba, nung siya na ang sumampa, tumagilid ang boat. Naitapon kaming lahat sa tubig. Buti na lang, sila Mama at yung iba pang di marunong lumangoy nakasuot ng life vest. Ako, karga karga ko si Rap. One year old pa lang siya noon. Buti na lang marunong akong lumangoy. Itinaas ko lang siya hanggang mai-ayos yung boat at may kumuha na sa kanya. Nung safe na si Rap saka ko na hinanap ang mga gamit ko. Malas! Nahulog din ang camera at cellphone ko.
Pero sabi nga nila, walang may gusto ng aksidente. Kaya nga aksidente eh. Sabi ni Daddy Jun, nasa conditioning lang daw ng utak yan. Dapat daw nasa isip mo lagi bago gumawa ng action is Safety First. Ginagawa ko naman, eh. Pero pansin ko pag ang action eh may connection kay Rap. Pag sa akin, bahala na si Batman. Ganoon naman yata ang mga nanay eh. Protective lang sa mga anak. Kahit malimutan ang sarili, okay lang.
Masakit pa rin ang daliri sa paa ko hanggang ngayon. Baka nga mamatay ang kuko ko nito. Nangingitim na kasi eh. Attend pa naman ako ng family reunion today. O siya, till next time uli. Kelangan ko pang lagyan ng cutex 'to para maitago ang pangingitim ng kuko ko!
Tuesday, April 19
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 sweet comments:
Post a Comment