What a weekend!
Daddy Jun, Rapido, and I checked in with my family at Manila Diamond Hotel. Family bonding eching daw. 22nd birthday din kasi ni Bo, ang aking kapatid na pinaka-masunurin sa mga utos ko. I'm giving two thumbs up for the place. Our room was overlooking the Manila Bay. Ganda ng view, sobra!
We were just in time for the Aliwan Festival in CCP complex. the fluvial parade was awesome! Feeling ko nanonood kamin ng Flower Festival in Baguio. Kaya lang I watched by our window from the 23rd floor of the hotel. Okay pa rin. Daddy Jun and I were so tired from our LRT and jeepney trip from the hotel to Philtranco Terminal in Pasay. Wala pa kaming napala. (I'll tell the details in my other post.) Lolo Pikoy, Mamita, and Aki went down and stood in front of Kalipay Bar. Nakakatawa ang tatay ko, nakita pa rin niya kami na nakadungaw sa window. Kaway ng kaway, bumaba daw kami. Buti na lang at nakapula siya, kitang kita kahit sa malayo.
Nine p.m. na kami bumaba for dinner. Ang tagal naming hinintay si Bo. Galing pa kasi siya sa youth meeting sa church. Akalain mong head pa siya ng Youth Ministry ng Greenwoods. Siya rin ang representative ng parokya sa Diocese of Antipolo. Gutom na si Rapido at inaantok na. Hindi kasi natulog ng hapon at nagbabad sa bathtub. Tinawagan ko si Bo na i-meet na lang kami sa Cafe Adriatico by the Bay.
Nakakatuwa. Kami lang magkakapatid ang lumabas kasama si Daddy Jun at Rapido. Bloated si Mamita at gusto niyang bumalik na sa hotel. Si Lolo Pikoy, gustuhin man niyang gumimik, kinunsensya namin na samahan si Mamita sa room at wawa naman. Inaasar nga namin ang matatanda eh, syempre private time, alam mo na.
After eating naglakadlakad kami sa Baywalk. Malaki na talaga ang ginanda ng lugar. Dati walang espesyal na makikita. Marumi, mabaho, madilim pag gabi. Ngayon, ang dami na naming pictures. Maganda kasi ang lugar lalo na nung gabi. Makulay ang mga ilaw, masaya ang mga tao, madaming banda.
Naglolokohan nga kaming magkakapatid eh. Nung bata kasi kami sapilitang pinapaligo kami ni Lolo Pikoy sa dagat ng Manila Bay. Nung may ubo si Bo, pinaligo doon. Nung may bungang araw ako, pinaligo din ako doon. Yun pala, front lang kami ni Lolo Pikoy para makakuha siya ng kawayan sa tabing dagat. Pang-gawa ng kulungan ng manok.
Pabalik sa hotel bumili si Bo ng pizza. Si Toto naman sinagot ang beer. Nag-tongits na lang kami sa room namin. Nakakapagod din kasi maglakad, lalo na't inaantok si Rapido. Nagta-tantrums na at lahat inaaway.
Masaya kaming lahat nung gabing yun. Proud akong sabihin na close kaming magkakapatid. Nasa pagpapalaki na rin yata sa amin. Sa hirap ng buhay na naranasan namin sa aming paglaki, natutunan na naming maging isa. Sabi nga ni Ate Do sa blog niya, "We still laugh at our own stupid jokes, lenient at our own hilarious pranks and forgiving at our mistakes." Sana nga, kahit na makapag-asawa na rin sila ganoon pa rin kami.
Monday, April 25
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 sweet comments:
Post a Comment