6am na kami nakaalis ng bahay. Late na rin kasi kami nakatulog. Nag-luto pa ako ng babauning lunch, nag impake ng mga damit na dadalhin. Nagpa-gas pa at nag-last minute check-up sa kotse.
Before 10 am we were already at Atimonan, Quezon. Sa roadside na kami kumain ng baon naming breakfast na hotdog buns and Iced Tea. Buti na lang at may dala akong banig. Maganda kasi ang nakuha naming spot. Tabing dagat siya at naka-park kami sa ilalim ng lilim ng malaking puno.
After more than an hour we stopped for an early lunch sa Calauag, Quezon. Humanap uli kami ng magandang spot for us to enjoy our Chicken Pork Adobo. Beyond that place kasi mahirap na humanap ng place to stop over. NPA county na raw kasi doon.
One hour din kami nag-stop para maka-pahinga ang makina ng sasakyan. We entered Quirino Highway a little past 12 noon. May narinig kaming hissing sound sa sasakyan. Parang static. Hindi naman radyo. Na-praning si Daddy Jun at akala niya may problema ang kotse. Binuksan niya ang hood, sinilip ang makina, wala namang problema. Umandar uli kami. Nandoon pa rin ang tunog. Pina-stop ko uli siya at sinilip ko ang ilalim ng kotse. Anak ng patola! May maliit na sanga lang pala ng ipil-ipil na sumabit. Nakahinga kami ng maluwag. Imposible kasing may sira ang kotse at bago kami umalis papuntang Bora, pina-kondisyon muna namin ang sasakyan.
Tuloy-tuloy na kami pagkatapos nun. Tulog na ang mga pasahero namin sa likod. Syempre, busog na, walang radyo. At sa haba ng binyahe namin, naubos na rin ang mapagku-kwentuhan. Bilib ako! Kahit malubak ang 2 oras na byahe namin sa Quirino Highway tulog na tulog pa rin sila. Si Rap, naghihilik pa!
2:30 pm dumating na kami sa bahay ni Mama sa Naga. Birthday niya noong araw na iyon. Meron nang pancit na nakahain sa mesa. Nag-bake din ng cake si Ate Cel (sister ni Daddy Jun at mommy ni Megan). Dun muna kami nag-stay habang pinapalinis pa ni Tita Ops ang tutuluyan naming kwarto sa bahay niya. Mga ilang minutes away lang yun.
Kinagabihan, nagkaroon ng special dinner kasi nga birthday ni Mama. After noon, umuwi kaming sandali sa bahay ni Tita Ops para magbihis at ilalabas namin sa isang bar si Mama. Hindi na sila sumama. Kami lang nila Rap, Daddy Jun, at Mama ang lumabas. Iba ang nightlife doon. Kung susumahin sa isang salita, CORNY!. Probinsyang-probinsya. Ok lang, at least alam naming masaya si Mama nung birthday niya. Ayaw pa nga sana niyang umuwi kaya lang hindi ko na maibuka ang mata ko sa antok around 12 am kaya umuwi na rin kami.
Monday, May 2
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 sweet comments:
Post a Comment