It's Rap's 2nd day in school. Grabe, Prep na siya. Sa March, mai-experience na rin niya ang graduation. Excited nga ang lolo mo eh! Mas excited siya nung Sunday night. Naku, maagang natulog. Monday morning, maaga ring nagising. 8 am pa ang klase niya, 6 am gising na. By 7 am ready na siya for school. Eh halos 5 minutes away lang naman ang school niya. Sobrang aga niya tuloy.
Ngayon, ako na lang uli ang naiwan dito. Tahimik nanaman ang bahay. Walang ingay ng DVD player at Cartoon Network. Walang batang sigaw ng sigaw ng "Mommy!". Hehehe. Hanggang 11 am lang naman. At least, I'll have more quiet time to read my modules and study.
Speaking of studying, grabe ang sem na ito. Ang daming requirements! Here's a bird's eye view ha. Meron akong mini-survey to be administered asap kasi July 30 ang submission ng paper. Meron akong 4 videos to view and to comment on. Mayroong 25 children's books akong kailangang i-annotate. Kulang pa nga ang collection ko dito, eh. Meron pa akong assessment and critique na kailangang gawin. By the end of the sem, kailangang nakagawa na ako ng blueprint of a reading program for children. Hindi naman kaya ako mangarag niyan. Don't think so. At least, this sem I've not accepted writing projects. Nahirapan ako last sem eh.
Tuesday, June 21
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 sweet comments:
Post a Comment