Tuesday, June 27

And the problem is......

The clock is ticking, it's already the 27th. Patay... lapit na ang deadline ko. Talagang tamad na tamad ako this semester. Gosh, ganito pala pag malapit na matapos ang course mo, nakakatamad. I just can't wait to graduate!

This sem, I'm enrolled in EDRE201 (Methods of Educational Research). I miss Prof. Porsche, buti pa yun napaka-maasikaso. Ngayon, I can't remember my professors name pa nga eh, we're left in the dark. As if naman fresh pa sa aking utak ang pagfo-formulate ng research problem. Eh kelan ko pa ba huling ginawa yun, Com I or Com II ata. Paging Prof. Praxedes Chua.... pa-tutor naman! Eh mas lalo yung mga classmates ko na more "matured" (meaning in their forties and fifties na), limot na raw nila. Ni wala man lang kaming consultation session about our research topics! Waah! Naiiyak na ako.

So back to my assignment... eto yun, simpleng one-liner na: State your research problem. Ano daw? Eh hindi ko nga alam kung anong area of interest ko eh. Eh kasi naman, di ko balak mag thesis next sem, magsi-special problem at compre exam na lang ako. Di ko naman balak mag-doctorate no!

Bakit ba mas hirap ako mag-meet ng deadlines ko ngayong wala na akong work? Siguro kasi three times a week nasa Don Bosco ako at hatid sundo kay Rap (eh kasi naman nag-join ng football team ang cute kong anak). Siguro din kasi naa-addict ako sa Millsberry.com at Neopets. (Oi try niyo, nakakaaliw!). Or siguro din kasi ang *&^%$# kong PC ay hindi reliable.

Isa pa yang PC kong pasaway. Kakapalit ko lang ng hard disk. Nagpa-upgrade ako ng XP from Win98. Anak ng patola! Hindi licensed version ang nilagay, ang mahal ng binayad ko! Naubos ang allowance ko for the month. (Opo, under allowance nanaman ako kay Daddy Jun.) Tapos service pack 1 pa! Grrrr!!!! God bless him! (In other words, bahala na si Lord sa kanya.) Sabagay, ka-age ni Rap ang PC na yun. Kaya siguro naghihingalo na ang mga spare parts. Hmmm.... sino nagbebenta jan ng laptop? Pwede pa trade-in na lang ng PC ko? HP yun, orig lahat parts pwera lang hard disk na kapapalit lang.

O sya, google muna ako ng mga pwede kong maging research problem. Like last sem, ang mantra ko nanaman ngayong sem ay:
"Bokya kung Bokya!" Bwehehehe!


Tag/s:

0 sweet comments: