Karaniwan nang nakikita ang mga batang lansangang nangangaroling kapag panahon ng kapaskuhan sa Pilipinas. Dala-dala ang kanilang mga sariling gawang instrumento at baon ang mga sinaulong Christmas songs, nakikipag-patintero sila sa mga sasakyan sa kalsada para sa kakaunting barya. Nakakatuwa dahil naipagpapatuloy nga ang atin nang nakagawiang tradisyong pangangaroling tuwing Kapaskuhan. Ngunit nakakalungkot rin na dahil sa kahirapan ay kinakailangan ng ilang musmos na sa kalsada ay makipagsapalaran.
Ang larawang ito ay kuha ko habang habang ang aking sasakyan ay nakatigil sa lansangan isang hapon pagpunta ko sa trabaho. Sa pagmamadali at dahil sa salaming marumi, ang aking larawan ay malabo.
It's a common sight to see children caroling in the streets during Christmastime in the Philippines. Armed with their self-made instruments and memorized Christmas carols, they roam the streets without considering the danger of passing cars just so they can have a few coins. It's nice to know that our Filipino tradition of singing carols during Christmastime is passed on to these children. However, it is still a sad fact that because of poverty, the safety of these children are compromised.
This photo was taken on the way to work one afternoon. It came out blurry because I had to shoot quickly before the light turned green and my windshield wasn't that clean.
0 sweet comments:
Post a Comment