Thursday, January 15

Litratong Pinoy: Asul





Ang pang-ipit sa buhok na nasa larawan sa itaas ay mahalaga sa akin dahil regalo ito ng dalawang pamangkin ko noong nakaraang Pasko. Nakakatuwa dahil kahit na alam kong umaasa lang sila sa baon na bigay ng kanilang mga magulang ay naisipan pa rin nila akong bigyan ng regalo. Hindi na mahalaga kung magkano man ito o kung saan nabili. Ang mahalaga ay ang naipadama nila sa aking saya dahil sa mumunting alay na ito.

The clip that is shown in the picture above is very important to me because this is a gift from my niece and nephew last Christmas. I am so honored to receive it because I know that they saved an awful part of their allowance for them to buy Christmas gifts. It doesn't matter whether it's cheap. What matters is the joy that they made me feel.


Narito naman ang larawan ng aking paboritong asul na hikaw. Mumurahin din lang yan, nabili ko sa tiangge ng singkwenta pesos. Isa lang ito sa mga "wala lang" moments ko habang nagi-eksperimento sa aking kamera. Maganda naman ang kinalabasan hindi ba?

Here is a photo of my favorite blue earrings. This pair is cheap as I was only able to buy them for Php 50 (a dollar or so). This was taken during one of my "whatever" moments; experimenting with the focusing capabilities of my PS camera. The shot is not that bad, don't you agree?




0 sweet comments: