Thursday, April 23

Litratong Pinoy: Gusali




Namangha ako sa mga gusaling ito na nakita ko sa Calle Crisologo sa Vigan, Ilocos Sur. Unang beses ko pa lang kasing nakabisita sa lugar na ito. Pakiramdam ko ay bigla akong nadala sa panahon ng mga Kastila sa paglalakad ko sa kalyeng ito. Kaya lang, ganito lang pala katahimik at kaganda ang lugar kung wala pang alas-otso ng umaga. Maaga kasi kami naglibot noong umagang iyon. Kapag sumapit ang alas-otso ay biglang magbubukasan ang mga tindahan sa mismong pinakababang palapag ng mga gusaling ito. Kung ako ang tatanungin, sana'y hindi na lang mga tindahan ang nandito bagkus ay mga museo.

Mababasa po ang aking sinulat tungkol sa aming pagbisita sa Vigan dito. Kung nais po ninyong sumali sa lingguhang paglalahad ng larawan ng mga litratistang Pinoy, bisitahin niyo lamang po kami dito.

I was amazed the first time I set foot in Calle Crisologo, Vigan, Ilocos Sur. I felt being transported back to the Spanish times while we walked its cobbled street. However, I discovered that the place is only as quiet and beautiful as this when it is still before 8 in the morning. Beyond that hour, the souvenir and antique stores open. Personally, I would prefer museums here rather than stores.

You can read more of my Vigan side trip here. You can also visit this if you want to join Litratong Pinoy.





Add to Technorati Favorites

0 sweet comments: