Thursday, April 30

Litratong Pinoy: Tulay (Bridge)



Marami-rami na ring mga tulay na nakuhanan ko ng litrato. Ang larawan sa itaas ang isa sa mga pinakahuli kong nabisita. Ito ay aming nakita sa Tam-awan Village sa Baguio noong kami ay bumisita nitong Marso. Sa unang tingin, lalo na siguro sa mga banyaga, mukhang hindi ito matibay. Pero huwag ka, sabay-sabay pa kaming pamilya na tumawid dito sa tulay na ito. Talagang matibay ang kawayan, mukha nga lang mahina kung titignan. Maihahambing din natin dito ang ibang tao na sa akala natin ay madaling bumigay sa pagsubok. Sa kalaunan ay madidiskubre mo na lang na matibay pala sila. Mas pinatibay pa yata ng pagsubok at pagdaan ng panahon.

I have already taken photos of different bridges in the past. The bridge in the photo above is one of the latest bridges I have visited. This bridge is found in Tam-awan Village in Baguio City. This bridge may look frail and unsturdy but my family and I have crossed this bridge together. Bamboo is really strong although it may not look like it. Just like some people whom we may think of being weak on the outside only to discover later on that they are able to withstand obstacles.



Add to Technorati Favorites

0 sweet comments: