Isa sa mga itinakda kong pansariling misyon ay ang pagpapakilala ng ganda ng Pilipinas sa buong mundo sa pamamagitan ng internet. Kaya naman, sinisikap kong maipakita ito sa mga larawang kuha ko sa aming pamamasyal. Lahat ng mga ito ay inilalagay ko sa aking travel blog.
One of my self-declared personal missions is to let the world know about the beauty of the Philippines through photos of the places we have already visited. I do this through my travel blog.
Isa sa mga pinakamagandang lugar sa Pilipinas na aking nabisita ay ang Vigan, Ilocos Sur. Mayaman ito sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas kung kaya't idiniklara nga itong World Heritage Site ng UNESCO. Nakakalungkot nga lang na may mga tao talagang hindi makuhang igalang at mapanatili ang ganda ng Vigan. Pati marker ay binaboy pa. Nakakalungkot at nakakadismaya. Ganunpaman, naniniwala ako na mas marami pa rin sa ating mga Pinoy ang nakukuhang magmalasakit at mamangha sa ganda ng Pilipinas.
Vigan is one of the places in the Philippines that is rich in culture and history. UNESCO even declared the place as a World Heritage Site. It's just sad that some people do not realize and respect the innate beauty off Vigan. Even the marker was vandalized. Still, I believe that there are more Filipinos who still care to maintain the beauty of the Philippines.
"Misyon" ang tema ngayon Hwebes sa .
"Mission" is this Thursday's theme at .
10 sweet comments:
Nakakainis talaga ang trip ng ibang tao.
Nakakalungkot at may mga taong walang pagpapahalaga at respeto sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid.
Pero hanga ako sa misyon mo na ipakita ang ganda ng ating bansa through your blog...more power!
maganda nga ang vigan! para kang nagt-time travel sa nakaraan. napakaromantiko. yun nga lang, parang masyado na sya na-exploit ng mga tao. sana huwag naman syang masira.
magandang gabi!
alamo, one of the things that irritate me are vandals. ok sana kung sa freedom wall sila magsusulat. pero yung mga importanteng sites na ganyan na narurumihan, hay naku.
may mga kabataan lang talaga na wala sa loob ang mga ganyan.
Minsan talaga ay nakakainis ang mga taong walang pakelam sa kapaligiran at ang misyon eh sirain pa ito.good luck to your mossion.
i know Mauie! i have always thought that some of the Pinoys don't really appreciate the Philippines until they leave the country...me included...kaya ngayon appreciate ko na kahit anong bagay na Pinoy...
Eto naman ang Misyon ko para sa LP
di pa ko nakakapunta dyan... gusto ko ring mapuntahan yan.... happy LP... :)
magandang misyon, malaking tulong din lalo na sa amin na wala sa bansa:) salamat!
Minsan talaga ay nakakainis ang mga taong walang pakelam sa kapaligiran at ang misyon eh sirain pa ito.good luck to your mossion.
Nakakalungkot at may mga taong walang pagpapahalaga at respeto sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid.
Pero hanga ako sa misyon mo na ipakita ang ganda ng ating bansa through your blog...more power!
Post a Comment