Thursday, September 3

Litratong Pinoy: Lakad (Walk)



Ang mga larawang ito ay kuha mula sa aming lakad nitong nakaraang long weekend. Walang kaplano-plano, basta na lang naisip namin noong Linggo ng gabi na papasyal kami sa La Mesa Ecopark. Nakakahiya mang aminin, laking Maynila ako pero first time kong makarating dito.


Masarap maglakad lalo na kung presko ang lugar at maraming halaman. Nakaka-mangha talaga na mayroon palang ganitong paraiso sa Quezon City. Salamat na lang sa mga naka-isip na i-preserve ang La Mesa Watershed. Sa pagbisita lang namin dito at sa pagbayad ng 50 pesos na entrance fee ay nakatulong na kami sa pagpapaganda ng lugar.

Ito nga pala ang hagdan na aming inakyat para masilayan ang watershed. Hindi pwedeng kumuha ng litrato o video sa itaas kaya ito na lang ang aking souvenir.


Mas lalong presko sa itaas pero talaga namang nakakapagod. Heto nga't pagkababa ay umupo na lang ako sa pinakamalapit na pwedeng maupuan. Uy, naka-LP t-shirt pala ako!



Bisitahin niyo ang aking travel blog para makita ang mas marami pang larawan at kwento. Nag-boating at zipline pa kasi kami pagkatapos nito.

These photos were taken during our recent visit to La Mesa Ecopark. It's really a shame that it's my first time to visit the place. It's amazing to discover that a place like this exists in busy Quezon City. By visiting the place and paying the minimal entrance fee of 50 pesos, we have already done our share in contributing to the preservation of the La Mesa Watershed. The photo of the steps to the watershed is my only souvenir because taking of pictures and videos of the watershed is prohibited. Going up is very tiring but the breathtaking scenery up there made it all worth it. To view more pictures and to read more about our trip, please visit my travel blog. We road a boat and the zipline after that.


Like this post? Click this to subscribe to this blog by email.

11 sweet comments:

Willa said...

marami ngang nagsasabi na maganda daw talaga ang lugar na iyan,sayang lang at hindi kami nakapasyal nuong nagpunta diyan.

christina said...

hindi ko malubos maisip na sa gitna ng maingay at matrafic na quezon city ay may isang lugar na magpapaalala pa din sa kalikasan. ang ganda po ng mga kuha. isang araw pupuntahan ko din yan :)

heto po ang aking lahok: http://prettystepdaughters.blogspot.com/2009/09/lp-73-lakad.html
masayang araw ka LP.

sana magka Tshirt din ako ng ganyan :)

yeye said...

nung isang araw lang yan ah heeheheh
di pa ako nakakapunta jan..makagala nga minsan hehehehe..

naku ate...kasi naman bago kami magduty sa antipolo, nagpictorial muna kami sa views ng bundok ng antipolo..sa may padi's point. hahaha. kaya aun dala2 ung dslr hehe

happy LP:)

SASSY MOM said...

Mukhang magandang dalhin diyan ang mga bagets... hmmmm ... maplano nga sa bakasyon.

Yami said...

alam mo ba na plinano din namin ang magpunta sa ecopark noong Linggo kaso di natuloy kasi kumulimlim at nagkatamaran ng umalis. yan kasi ang pinakamalapit na park sa amin at sulit ang nature tripping kaya atat akong pumunta diyan. walking exercise na rin. :)

I'm not really sure kung may bayad nga ang bola ng golf hehe bale biniro ko lang si hubby. :D

an2nette said...

pareho tayo, bitbit ko rin lagi ang LP t-shirt ko at kung may magandang view pose ang beauty ko, taga sampaloc, manila lang din ako dati at di pa rin ako nakarating diyan

thess said...

Ang gandang lugar nga nito sa gitna ng maingay at siksikang lungsod. Sana mapuntahan ko naman sa next kong uwi.

Sana rin ay isali mo ang mga kuha mo sa 'LP goes to' project...I'm sure maraming matutuwa na makita ang loob ng lugar na ito lalo na ang kagaya ko na hindi pa nakakarating dyan :)

happy lp!

shykulasa said...

laking maynila rin ako pero di pa rin ako nakapunta dyan, mabisita nga one of these days :)

salamat sa komento sa lakad ko :)

MAARTE said...

Mukhang maganda dyan, Mauie!

shykulasa said...

laking maynila rin ako pero di pa rin ako nakapunta dyan, mabisita nga one of these days :)

salamat sa komento sa lakad ko :)

yeye said...

nung isang araw lang yan ah heeheheh
di pa ako nakakapunta jan..makagala nga minsan hehehehe..

naku ate...kasi naman bago kami magduty sa antipolo, nagpictorial muna kami sa views ng bundok ng antipolo..sa may padi's point. hahaha. kaya aun dala2 ung dslr hehe

happy LP:)