Thursday, October 29

Litratong Pinoy: Amoy (Smell)



Sinong Pinoy ang hindi paborito ang bagoong? Bihira lang siguro. Di ba kahit na sa totoo lang ay hindi kanais-nais ang kanyang amoy ay nakakatakam pa rin? Kaya nga kahit na bawal ay marami pa ring nakakalimot sa sarili at kumakain ng bagoong o binagoongang karne o gulay.

Unang beses ko lang makatikim ng bagoong na walang amoy, hindi masyadong maalat, at medyo maasim. Iyon ay ang balaw (bagoong) ng Balaw-Balaw Restaurant sa Angono, Rizal. Simpleng gisadong balaw lang yan na may kasamang talong. Masarap isabay sa inihaw na baboy o isda. Pero nung araw na yan, ang naging ka-partner niya ay ang Sinagang na Malaputo at Lechong Kawali. Dati'y talagang dinadayo pa namin ang Bala-Balaw para makakain ng kanilang kilalang balaw. Ngayon, nakakabili na ako ng naka-botelyang balaw na produkto rin ng restawran at itinitinda sa grocery.

Natakam ka ba? Bisitahin mo rin ang ibang larawang kalahok, may amoy man o wala, ngayong Hwebes sa Litratong Pinoy.

Most Filipinos find bagoong (fermented shrimp) irresistible even if the smell is not that delightful. They still eat bagoong or any other food mixed with bagoong even if it is not allowed in their diet.

The first time that I was able to eat bagoong that is not too salty or smelly was when we ate out in Balaw-Balaw Specialty Restaurant in Angono, Rizal. We had balaw (Angono's version of bagoong)sauteed with eggplants. It is actually yummy to eat as a compliment to roasted pork or fish. However, that day, we had balaw with
Sinigang na Malaputo and Lechong Kawali. In the past, we drive to this place to taste their balaw. Nowadays, I just buy Balaw-Balaw's bottled balaw from the grocery.

Are you getting hungry already? I hope you can also take time to visit the other photo entries, whether they smell good or not, in this week's
Litratong Pinoy.



8 sweet comments:

Marites said...

natakam nga! ngayon lang ako nakarinig na bagoong na walang amoy. masubukan nga!

Rico said...

ako rin hilig ko ang bagoong. Dati pa nga isang linngo kong inulam yan noong bata pa ako.

Unknown said...

oy, naririnig ko ang Balaw-Balaw pero di ko pa nararating. mukhang masarap nga ang putaheng ito.:p

♥♥ Willa ♥♥ said...

Balaw, bagong words yun sa pandinig ko ah, agree with luna, mukhang masarap na ulam nga yan.

Munchkin Mommy said...

gustung-gusto ko rin ang amoy ng ginisang bagoong...at binagoongang baboy. :D yum!

agent112778 said...

hmm sana ma try ko rin yan, nakaka takam

sana maibigan nyo rin ang aking lahok

magandang araw ka-litratista :)

Salamat sa pagbisita :)

Mirage said...

Oh my bagoong! hehe. Mahal ko din sha lalo na kung barrio fiesta :D

♥Willa♥ said...

Balaw, bagong words yun sa pandinig ko ah, agree with luna, mukhang masarap na ulam nga yan.