Sa totoo lang, masinop naman ako sa gamit lalung-lalo na kung ako ang nagpundar nito. Kaya naman mahal na mahal ko ang bahay na tinitirhan namin ngayon. Parang beybi din na kailangang alagaan. Heto nga, at pagkatapos ng dalawang taon ay nagkaroon kami ng pagkakataon na makapagpalit ng pintura ng mga pader sa loob ng bahay. Nagdagdag din kami ng mga istante sa loob ng banyo sa kwarto para maiayos ang ilang gamit at ang aking koleksyon ng pabango.
Hehehe... kikay po talaga ako at walang nagawa ang asawa ko nang mag-desisyon akong PINK ang tema ng kwarto namin. Maganda naman ang kombinasyon hindi ba?
Naalala niyo ba yung isinali kong larawan noong Mayo para sa temang "Simula Pa Lang"? Hindi na ako nakasali noong sumunod na Huwebes kaya't hindi ko naipakita ang kinalabasan nito. Heto na siya ngayon.
Bachelor's loft ang tawag ng anak ko dyan sa itaas ng kanyang study area. Nakakatuwa naman talaga para sa isang bata ang may ganyang tulugan. Parang sariling bahay-bahayan.
Hay,sana'y laging ganyan kaayos ang bahay namin. Kapag abala kasi ako sa trabaho ay ang kasambahay lang ang nakakapag-ayos ng aming mga gamit at kadalasan ay hindi nakukuha ang kaartehang hanap ko.
Masinop ka rin ba? Ipakita mo ito at sumali sa amin sa Litratong Pinoy.
I am really a neat and careful person especially when it comes to things that I myself bought. This is why we love our home so much. We treat it as our baby. After two years, we were given a chance to have the walls repainted. We also had shelves made and installed in our master's bathroom to house some knick knacks and my collection of sprays and perfume. My husband wasn't able to say no when I decided that PINK will be our bedroom's motif. The color combination turned out pretty well, don't you think?
Remember way back in May when we had our "In The Beginning" theme? I wasn't able to join the following week so I did not have the chance to show how it turned out. Here's my son's study area now. He calls the upper part his bachelor's loft. He loves his sleeping area because it's like he has his own pad.
How I wish that our home is always this neat. I fail to clean our place regularly because of my busy schedule. It's the househelp that does this for me but it's still different from how I clean and arrange things.
Are you neat? Show this with photos and join us at Litratong Pinoy.
14 sweet comments:
Type ko yung bachelor's loft ng anak mo! Gusto ko rin ng ganyan! hehehe.
Salamat sa dalaw!
hehe nakita ko sa magazine ung bachelors loft some years ago and paglaki laki ng anak ko un din balak kong ipagawa sa room nya. hehehe
cute ng room mo sis, pink! buti na lang machunurin mr mo.
kakatuwa ang bachelor's loft ng anak mo. at hanep, hot pink talaga ang bedroom mo, wawa naman hubby mo!:p
Hello...ang ganda naman ng kulay ng kwarto pink. Tama nga kailanga laging maayos ang bahay para magandang tingnan di ba?
gustung-gusto ko iyong bachelor's loft, kasi noong kabataan ko pa eh talagang pangarap ko na ganyan ang tulugan ko :) ang ganda ng bahay mo at halatang masinop ka nga. nakunsensya tuloy ako sa hitsura ng bahay namin LOL!
ang ganda naman ng kulay ng kwarto nyo, pink and i love it!
Masinop ka at cute yung pink theme, love ka talaga ni mister at napapayag mo ha ha :)
Your place looks so neat and pretty.
Bilib naman ako sa convincing powers mo at pumayag si Mister na PINk. Hehe!
aba, ang ganda ng "bachelor's loft" ng munting bachelor mo!
Bilib naman ako sa convincing powers mo at pumayag si Mister na PINk. Hehe!
Your place looks so neat and pretty.
Hello...ang ganda naman ng kulay ng kwarto pink. Tama nga kailanga laging maayos ang bahay para magandang tingnan di ba?
hehe nakita ko sa magazine ung bachelors loft some years ago and paglaki laki ng anak ko un din balak kong ipagawa sa room nya. hehehe
cute ng room mo sis, pink! buti na lang machunurin mr mo.
Post a Comment