Thursday, December 3

Litratong Pinoy: Hudyat (Signal, Sign)


2009-04-25 Subic 06 North EDSA

Ang Pinoy nga naman. Saan ka pa makakakita ng ganitong sign kundi dito lang. Nakakatawang nakakaloko! Ito ang bumulaga sa amin sa aming pagdating galing sa Subic. Palibahasa'y hindi naman kami madalas magbiyahe pa-Norte kaya first time ko lang talaga makita ito. Mas madali nga namang matatak sa isipin ang mensahe ng isang hudyat kung may dating ito. Sa pagkakataong ito, maliwanag na ginamit nila ang humor. Natawa ka ba? Sana ay mabisita mo rin ang ibang hudyat na kasali ngayong Hwebes sa Litratong Pinoy.

Filipinos are known to be happy people. Probably this is why we can come up with funny signs like this one. We saw this along EDSA on our way home from Subic. I think that for signs to be really effective, the message has to be written with something that can attract attention. In this case, they used humor. Do you find it funny? I hope you can also view the other Litratong Pinoy entries.


14 sweet comments:

pehpot said...

salamat sa bisita :)

akala ko naman yan talaga ang intsik ng u turn.. o baka nga yan talaga hehe

oo nga pala ako'y nangangaalap ng gustong mag sponsor sa aking blog contest.. narito po ang detalye kung ikaw ay interesado:

Wanted: Contest Sponsors

karmi said...

hahaha! :P panalong sign yan ate! :D akala ko nung una, inedit lang ung sign, pero narealize ko rin na kasama pala talaga yan:P

at may chinese version pa.. hehehe.. kakalokong nakakaaliw:P

Willa @ PixelMinded said...

ang naisip ko naman eh pangalan ng isang chinese resto, inisip ko pa mabuti bago ko narealized na "likuan n'yo". :D

Mauie Flores said...

@Karmi, totoong-totoo yan! tawa nga ako ng tawa eh. talaga itong MMDA, patawa!

Dinah said...

ha ha, nabalitaan ko lang yan pero hindi ko pa mismo nakikita ang likuan u. nakakatuwang nakakainis nga :-)

Sassy Mom said...

Kakatawa naman iyan.... pauso ang MMDA ah.


Heto ang aking lahok

ian said...

rotfl, lmao! panalo 'to hahahahahaha so jolog yet so... international! ahlavet!

salamat sa dalaw =]

Mirage said...

lol, kulit! akala ko nasa hongkong ka eh. Galing! Happy LP!

Ronnie said...

pam-bee-he-ra! lol

Iris said...

haha, ingenious.

lino said...

haha, nakita ko nga rin yan nung nagpunta ko ng subic last month... :)

Iris said...

haha, ingenious.

Ronnie said...

pam-bee-he-ra! lol

Sassy Mom said...

Kakatawa naman iyan.... pauso ang MMDA ah.


Heto ang aking lahok