Thursday, January 7

Litratong Pinoy: Makapal (Thick)

Sa wikang Griyego, ang salitang photos ay nangangahulugang "ilaw" at ang graphein ay nangangahulugang "pagsulat". Sa dalawang salitang ito nagmula ang terminong photography. Kung kaya naman, pinaka-importanteng aspeto sa photography ay ang ilaw. Sa totoo lang, ang mga larawang nakikita natin ay iginuhit ng camera gamit ang liwanag.



Paano na lang kung kulang ang liwanag sa isang lugar? Paano kaya kukuha ng magandang larawan? Ito ang challenge sa aming mag-asawa noong Bagong Taon at kami'y nasa Camsur Watersports Complex. Makakapal ang mga ulap sa Bicol mula noong kami'y dumating ilang araw bago mag-Bagong Taon. Siguro'y dahil na rin sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ang solusyon, gamitin na lang ang makakapal na ulap para magkaroon ng drama ang larawan. Silhoutte effect na lang. Maganda na, naitago pa ang aking mga bilbil, hahaha!

Light is an important aspect in photography. In fact, the word "photography" originated from the Greek words "photos" and "graphein" which mean "light" and "writing" respectively. The pictures that we see are actually products of light written by our cameras.

My husband and I were quite challenged during our New Year's Day celebration at the Camsur Watersports Complex. Thick clouds hovered above the Bicol region since we arrived days before the New Year. It's probably because of Mayon Volcano's ash emissions.

We resolved our light problem not by using the flash but by maximizing the darkness that the thick clouds brought. It allowed us to shoot silhouette photos. The results were beautiful and dramatic. And the best thing about my silhouette shot is that it hid my love handles! Hahaha!



15 sweet comments:

Pinky said...

Makapal na ulap + creativity = great silhouette shot!

Masubukan nga minsan para maitago ko rin ang aking, ahem, \"love handles" - hahaha!

Happy LP!

an2nette said...

happy LP and happy new year din, sadyang magandang background ang mga ulap sa larawan

julie said...

Maganda na, naitago pa ang aking mga bilbil, -> agree ako diyan at gusto ko din yan, hahaha!

Nice photo Mauie! (sana isinama mo din si cute gir, hehe)

Joy said...

Good idea! May dramatic effect pa ang litrato!

Magandang araw! Ito ang lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/01/lp-makapal-thick.html

shutterhappyjenn said...

Maganda nga ang silhouette shot... very dramatic and creative. Salamat sa pagdaan sa aking blog.

Arlene said...

Good concept!

You are lucky to see Mayon's grumpy mode ha!

Happy LP day sa iyo!

Arlene
http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2010/01/lp-makapal-thick.html

Ebie said...

Apir ako sa bilbil! Hehehe! Gusto ko rin yung makapal na ulap, very dramatic ang epec!

thess said...

Great silhouette shot! solusyon ko din yan para hindi lang velvel ko maitago ko, pati na rin mukha ko ha ha!

Happy New Year at Happy LP day!!

Mirage said...

Brilliant! Namiss ko tuloy yung mga panahon na nagdedevelop at nagpriprint ako sa darkroom ng mga litrato na kulang sa ilaw lol. Happy LP!

Marites said...

ang galing ah :) gusto kong bumalik sa CAMSUR balang araw. maligayang LP!

Unknown said...

dramatic nga ang effect ng silhouette pati na ang background. di ba kita ang Mayon sa Cam Sur?

Dinah said...

nice silhouette shot :-)tama ka, hindi nga kita ang bilbil. gagawin ko nga din yan, ha ha.

heto naman ang lahok ko: makapal

Keith said...

Nice take on a very challenging situation. Kung ako yan eh nag give-up na ako...hehehe!

Keith said...

Nice take on a very challenging situation. Kung ako yan eh nag give-up na ako...hehehe!

Mirage said...

Brilliant! Namiss ko tuloy yung mga panahon na nagdedevelop at nagpriprint ako sa darkroom ng mga litrato na kulang sa ilaw lol. Happy LP!