Kung noong isang linggo ay madilim na larawan dahil sa makapal na ulap ang aking naibahagi, ngayong Huwebes naman ay isang maliwanag na kuha ang aking lahok at ito'y dahil sa maninipis na ulap.
Ito'y isa sa mga kinuha kong larawan sa aking Basic Digital Photography class noong Nobyembre. Sabi kasi ng aking asawa, nag-invest na din lang naman daw kami sa DSLR ay dapat malaman ko na rin ang tamang paggamit nito. Ewan ko ba, nakinig naman ako ng mabuti at nagsulat pa nga ng notes. Kung bakit nalimutan ko ang "Sunny 16" rule na iyan. Alas dos ng hapon kasi, tirik na tirik ang araw. At kapag ganyan daw, dapat naka f/16 ang aperture at ang ISO ay 200 para hindi masyadong maliwanag. Naayos ko na nga ng konti yan sa Photoshop. Nabawasan na ang liwanag. Pero subukan mong i-click ang larawan at buksan ang Flickr page niya, mabibisto mong f/11, ISO 400, at shutter speed 1/500. Mali-mali talaga. Toinks!
OK lang naman. Kahit paano'y nalaman ko na ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagkuha ng larawan. Ngayon, kahit paano'y gumanda na ang mga kuha ko.
Last week, my entry was a silhouette shot whose darkness was produced by the thick clouds that hovered the day of the shoot. This Thursday, I am finally showing one of the shots that I took during the Basic Digital Photography class I took last November.
This shot was taken at 2 in the afternoon and it was truly a scorching hot day. I dunno what happened but I totally forgot about the "Sunny 16" rule that told us to use f/16 and ISO 200 on a sunny day. This photo looks ok already since I already adjusted its brightness through Photoshop. But try clicking it and opening its Flickr page. You'll discover that I used the wrong settings (f/11, ISO 400, and a shutter speed of 1/500)!
It's totally ok with me. I know there's always a first time for everything. At least, now that I already know the basic do's and don'ts in digital photography, my shots have noticeably improved.
12 sweet comments:
Okay naman ang editing mo..ganun talaga kailangan lang natin laging shoot ng shoot hanggang matuto. Ako rin kailangan kong kumuha ng kurso sa photography para umayos mga kuha ko.
Happy LP!
Tama ka, naginvest na rin lang sa high end na camera,dapat gamitin na ito to the fullest, kaya naghihinayang ako sa Canon ko, parang sayang lang kasi hindi ko pa masyado kinakalikot eh. :)
Mukha namang maganda pa rin ang labas ng kuha mo eh. Trial and error naman ata talaga sa photography di ba?
Eto ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/01/lp-manipis-thin.html
Magandang araw!
ok lang yun, trial and error ang photography, and pretty soon you'll discover your own style.
and mga photography classes naman tinuturo lang sayo yung basics ng photography. at kung gusto mo talagang matuto ng mga exposure at lighting, etc, mag-manual ka na film camera. nothing beats that. ;)
naku, maganda naman ang kuha a :-) buti ka nga at nag-aaral so surely va-va-voom pa lalo ang mga susunod mo na larawan!
heto naman ang aking entry na manipis
kahit ilang beses ituturo sa akin ang basic photography, di nagre-register. tsamba-tsamba pa rin ako.:p maganda naman itong litrato mo.
Korek! Praktis makes perfect. Ako rin, hindi ko pa masyadong kilala ang camera ko.
Good job Mauie!
maganda naman ang kuha:) gusto ko ring mag-aral ng basic photography pero wala pa akong nakikitang nagbibigay ng klase sa ngayon. maligayang LP!
Nice shot for the theme! Your photo is so crisp..i think perfect. :)
ayos, pasok din pala sa temang manipis yung tuktok ng building... ayos lang naman ang original settings na ginamit mo dahil medyo mataas pa rin ang aperture :)
ayos, pasok din pala sa temang manipis yung tuktok ng building... ayos lang naman ang original settings na ginamit mo dahil medyo mataas pa rin ang aperture :)
kahit ilang beses ituturo sa akin ang basic photography, di nagre-register. tsamba-tsamba pa rin ako.:p maganda naman itong litrato mo.
Post a Comment